tag:blogger.com,1999:blog-3643422179862074882023-10-23T16:42:33.313+08:00Pinoy Resourcedigitalibraryhttp://www.blogger.com/profile/04984604482852933158noreply@blogger.comBlogger1125tag:blogger.com,1999:blog-364342217986207488.post-8193168213043235552009-03-03T00:19:00.000+08:002009-03-03T00:48:44.794+08:00Mga Karaniwang Uri at Halimbawa ng TayutaySimili o Pagtutulad - Ang pagtutulad ay naghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari na ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis, kapara, at katulad.

Ang mga mata mo ay tulad ng mga bituin.

Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.

Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.

Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.

Ang mga kamay mo ay kasing kinis ng tela.

Metapora o Pagwawangis - Naghahambing din ang pagwawangis ngunit hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis sapagkatito'ytiyakang paghahambing.

Ang ama ni David ay leon sa bagsik.

Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.

Ang aking mahal ay isang magandang rosas.

Ang aking ina ay tunay na ilaw ng tahanan.

Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.

Si Mother Teresa ng Calcuta ay hulog ng langit.

Personifikasyon o Pagtatao - Ang personipikasyon ay pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga bagay-bagay sa paligid natin.

Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.

Napangiti ang rosas sa kanyang pagdating.

Tinatawag na ako ng kalikasan.

Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.

Inanyayahan kami ng dagat na maligo.

Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

O tukso, layuan mo ako!

Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.

Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.

Buwan, ika’y saksi sa lahat ng aking paghihirap.

Pagmamalabis o Hayperboli - Ang pagmamalabis ay lubhang nagpapakita ng kalabisan na imposibleng mangyari sa kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.

Bumaha ng salapi sa kanyang mga kamag-anak nang dumating si Rico mula sa Saudi Arabia.

Aabutin ka ng bilyun-bilyong taon bago makatapos ng medisina.

Nalulunod na siya sa kanyang luha.

Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.

Nadinig sa buong mundo ang lakas ng kanyang sigaw.

Paghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.

Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong.

Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.

Ang bang-bang ng baril ay gumising sa aming pamilya kagabi.

Pagpapalit-tawag o Metonymy - Ito'y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay "pagpapalit o paghalili."

Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.

Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.

Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Itinakwil siya ng buong mundo.

Ang klase ay kanyang kinopyahan ng takda.

Ang kongregasyon ay aking kinamayan.

Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

Siya ay hindi isang kriminal.

Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.

Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. Pag-uulit ng naunang tunog na katinig.

Ang kailangan ng bayan ay kapayapaan, kaayusan, katarungan, at kalayan.

Singsing, sapatos, susi, at sinturon lamang ang kanyang dala.

Ang laman ng kanyang bag ay papel, panulat, at pambura lamang.

compiled sources:
B - Sandigan (Ikalawang Taon) Ikatlong Edisyon - Dillague, Mercado, Rodriguez, Villaruel
S - http://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay
S - http://www.praning.com/forums/poems/t-tayutay-9623.html
S - http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Tayutaydigitalibraryhttp://www.blogger.com/profile/04984604482852933158noreply@blogger.com38